Dalhin sa katotohanan ang layunin mong pinansyal
Ang Equiti Brokerage (Seychelles) ay isang FSA-regulated multi-asset broker na nag-aalok ng global access para sa trading online.
Ang iyong mapagkakatiwalaang trading partner
Ang aming misyon ay maghatid ng mga pagkakataong pinansyal sa mundo sa pamamagitan ng mga progresibo at umuusbong na mga merkado. Ang Equiti Brokerage ay lisensyado ng Seychelles Financial Services Authority at isang subsidiary ng Grupo ng Equiti.
Mataas na teknolohiya
Gamitin ang potensyal mula sa mga pandaigdigang palitan ng pananalapi gamit ang mga kagamitan na iyong kailangan para makagawa ng mga independiyenteng pagpili at masimulan ng may bentahe ang iyong mga diskarte sa pangangalakal.
Mababang mga rate
Independiyente, at mga mabibilis at epektibong pagkukumberte ng asset sa pera (deep liquidity pools) na may pinagsama-samang pinakamahuhusay na mga presyo at produkto na nagbibigay-daan sa iyo na ma-prioritize ang mga pangangailangan mo nang walang itinatangi.
Pinagkakatiwalaang broker
Pinoprotektahan namin ang aming mga kliyente sa buong mundo sa pamamagitan ng pagprotekta sa pribadong datos, pagpapanatiling magkakahiwalay ang mga pondo at pagtanggi na isama ang anomang mga asset ng kliyente sa aming mga pangangailangan sa negosyo.
Ikaw ba ay isang Introducing Broker?
Kolektor ng ginto sa buong mundo
Kilalanin ang aming global na grupo
Ang bawat trader at kalakalan ay karapat-dapat bigyan ng personal na atensyon, kaya naman layunin naming magdala ng mga lokal na serbisyo sa aming mga kliyente sa bawat rehiyon.
Malawak na network
Konektado sa buong mundo sa mga Tier 1 na bangko, pro broker, liquidity provider, at financial intermediary.
Dedikadong grupo
Kolektibo ng datos, produkto at inobasyon, mga benta, serbisyo sa kliyente, pagpapaunlad ng negosyo at mga pakinabang ng retail operation.
Suporta sa maraming wika
Makipag-usap sa aming internasyonal na grupo mula sa 40+ na mga bansa na narito para tulungan kang lokal mong maunawaan ang pandaigdigang pananalapi.
Palaguin ang iyong karera sa isang people-first fintech
Maging bahagi ng aming lumalaking global family na may mga tanggapan sa London, Dubai, Amman, Limassol at iba pa.
Lumalago kami nang napakabilis
Alamin ang aming nakaraan habang patuloy kaming lumalago sa mundo.
2022
Ang Equiti Global Markets Ltd ay itinatag at lisensyado ng CySEC.
2022
Ang Equiti Securities Currencies Brokers LLC ay lisensyado ng SCA ng UAE.
2020
Ang Equiti Brokerage Ltd (Seychelles) ay itinatag.
2020
Ang Equiti Group Ltd ay lisensyado ng FSA ng Seychelles.
2020
Ang in-house tech hub, EGM Labs Ltd ng Equiti, ay itinatag sa Cyprus.
2020
Ang EGM Securities ay nakipagsosyo sa Kenya’s Genghis Capital.
2019
Ang FXPesa ay naging unang tagapaghatid ng forex at CFD assets sa retail market ng East Africa.
2018
Ang Equiti Group Ltd Jordan ay naging pinakaunang global broker na nagkaroon ng JSC license.
2018
Ang EGM Securities Ltd ay naging pinakaunang online forex broker na lisensyado ng CMA ng Kenya.
2018
Global rebrand ng lahat ng US, UK at AM entities mula 'Divisa' tungong 'Equiti'.
2018
Ang EGM Securities ay itinatag sa Kenya.
2018
Ang Divisa UK Ltd ay nag-upgrade sa full-scope IFPRU €730K license mula sa FCA ng UK.
2018
Ang Divisa AM CJSC ay naging miyembro ng NASDAQ OMX Armenia.
2017
Nakuha ng Equiti Group Ltd ang Divisa Capital group of companies.
2017
Nakuha ng Equiti Group Ltd ang EGM Futures DMCC na kontrolado at lisensyado ng SCA ng UAE.
2016
Itinatag ang AlgoLabs - isang R&D subsidiary na nakikipagsosyo sa British universities.
2015
Nabuo ang Divisa US.
2015
Nakuha ng Divisa AM CJSC ang Financial Laboratories at naging lisensyado ng Central Bank ng Armenia.
2014
Ang Divisa UK Ltd ay itinatag sa pagkakuha ng FCA-regulated entity MB Trading UK.
2012
Ang Divisa ay nakipagsosyo sa fintech provider PrimeXM.
2011
Ang DGCX products ay inialok sa pamamagitan ng aming ME DMCC entity.
2010
Ang Divisa Capital LP (ngayon ay naging Bloom Capital LP) ay nagrehistro sa FSP 15201 ng New Zealand.
2009
Ang Divisa Limited (ngayon ay naging Bloom Management Ltd) ay itinatag.
2009
Ang Divisa ay nakipagsosyo sa trading technology provider Currenex.
2008
Ang Divisa Capital Group ay naging incorporated.
Mga tanong tungkol sa Equiti Brokerage
Sino ang Equiti?
Ang Equiti ay isang fintech firm na nagbibigay ng digital tech para sa trading ng financial assets sa isang online trading environment.
Kasama ng daan-daang espesyalista sa mundo at 24/6 customer service sa 6 na wika, nagbibigay kami ng access sa individual, professional at institutional brokerage services sa iba't ibang affiliates at subsidiaries.
Kasalukuyan kang bumibisita sa Equiti Brokerage (Seychelles), na kontrolado ng FSA (Seychelles Financial Services Authority).
Anong uri ng broker ang Equiti?
Kami ay isang mark-to-market straight through processing (o ‘STP’) execution-only broker, lisensyado at kontrolado ng Seychelles Financial Services Authority. Ibig sabihin ay hindi kami nakikipagsapalaran laban sa aming mga kliyente - lahat ng mga posisyon ay direktang ipinadadala sa aming mga liquidity provider.
Saan ko mahahanap ang Grupo ng Equiti?
Ang global footprint ng Grupo ng Equiti ay kinabibilangan ng mga lokal na tanggapan sa Europe, Americas, Middle East, Africa at mga rehiyon sa Asia Pacific.
Ang mga regulated entity sa loob ng Grupo ng Equiti ay kinabibilangan ng Equiti Capital UK Ltd na kontrolado ng Financial Conduct Authority ng UK, Equiti Group Limited Jordan na kontrolado at lisensyado ng Jordan Securities Commission, Equiti Securities Brokers Currencies LLC na kontrolado at lisensyado ng Security and Commodities Authority ng UAE, EGM Securities (na may trading name na FXPesa) na kontrolado at lisensyado ng Capital Markets Authority, Equiti Brokerage (Seychelles) na kontrolado at lisensyado ng Seychelles Financial Services Authority, Equiti AM na kontrolado at lisensyado ng Central Bank of Armenia, at Equiti Global Markets na kontrolado at lisensyado ng Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC).
Ang trading ba ay para lamang sa mga propesyonal na trader?
Sino man sa alinmang background ay pwedeng mag-trade online – ang kailangan lamang ay sapat na pondo para sa pagbubukas ng account at verified na bank account. Suportado namin ang lahat ng antas ng traders sa tulong ng accounts, mahuhusay na mga manager, multilingual customer support at competitive pricing.
Nagbibigay man kami ng customer support 24/6, ang Equiti ay isang execution-only broker at hindi nagbibigay ng alinmang advisory management o payo sa pamumuhunan. Hinihikayat namin ang lahat ng antas ng traders na humingi ng propesyonal na payo at gumamit ng risk management.
Magbukas ng Equiti Account
Saan namin nakukuha ang aming pagpepresyo?
Ikinokonekta ng aming deep liquidity pool ang aming mga kliyente sa mahigit 35 liquidity providers kabilang ang mahigit 20 Tier 1 Banks at prime brokers.
Paano ako makikipag-ugnayan sa Equiti Brokerage (Seychelles)?
Mag-email sa support.sey@equiti.com o buksan ang aming Live Chat para makipag-usap sa aming mga team tungkol sa iyong mga kailangan sa trading sa wikang English, Arabic, Spanish, Portuguese, Thai o Tagalog.
May marami pang puweding i-explore
Mga Produkto
Mag-browse ng FX, indices, crypto, mga kalakal, shares at ETF CFDs.
Mga trading account
Pagte-trade na zero ang komisyon na may mga mababang deposit na mga requirement.
Mga Partner
Ipakilala ang iyong client network para sa mga mahuhusay na benepisyo.