MGA EQUITI FAQ

Narito kami para tumulong

Tungkol sa Equiti FAQs

Sino ang Equiti?

Ang Equiti ay isang fintech na kumpanya na naghahatid ng teknolohiyang digital para sa pagte-trade ng mga pinansiyal na ari-arian sa isang online trading environment.

Kasama ng daan-daang espesyalista sa mundo at 24/6 customer service sa 6 na lengguwahe, nagbibigay kami ng access sa indibidwal, propesyonal at institusyonal na mga serbisyong brokerage sa iba't ibang mga kasapi at sangay.

Kasalukuyan kang bumibisita sa Equiti Brokerage (Seychelles), na kinokontrol ng FSA (Seychelles Financial Services Authority).

Kami ay isang mark-to-market straight through processing (o ‘STP’) execution-only broker, lisensyado at kinokontrol ng Seychelles Financial Services Authority (FSA). Ang ibig sabihin nito ay hindi kami nakikipagsapalaran laban sa aming mga kliyente - ang lahat ng posisyon ay direktang ipinadadala sa aming mga liquidity provider.

Ang global footprint ng Grupo ng Equiti ay kinabibilangan ng mga lokal na tanggapan sa Europa, sa Amerika, sa Gitnang Silangan, Afrika at sa mga rehiyon ng Asya Pasipiko.

Ang mga kumokontrol na katawan sa loob ng Grupo ng Equiti ay kinabibilangan ng Equiti Capital UK Ltd na kinokontrol ng Financial Conduct Authority ng UK; Equiti Group Limited Jordan na kinokontrol at lisensyado ng Jordan Securities Commission; Equiti Securities Currencies Brokers LLC na kinokontrol at lisensyado ng Securities and Commodities Authority ng UAE; EGM Securities (mayroong FXPesa bilang pangalan sa pagte-trade) na kinokontrol at lisensyado ng Capital Markets Authority; Equiti Brokerage (Seychelles) na kinokontrol at lisensyado ng Seychelles Financial Services Authority; Equiti AM na kinokontrol at lisensyado ng Central Bank of Armenia; at Equiti Global Markets na kinokontrol at lisensyado ng Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC).

Ang aming masaganang liquidity pool ay nag-uugnay sa aming mga kliyente sa mahigit na 35 liquidity providers kabilang ang mahigit na 20 Tier 1 Banks at prime brokers.

Magpadala ng email sa support.sey@equiti.com o buksan ang aming Live Chat at makipag-usap sa aming mga grupo tungkol sa iyong mga pangangailangan sa pagte-trade sa English, Arabic, Spanish, Portuguese, Thai o Tagalog. Bilang karagdagan, para sa anomang mga katanungan na mayroon ka, maaari kang sumangguni sa aming support guide, na nagbibigay ng komprehensibong impormasyon at gabay sa aming mga produkto at serbisyo.

Pangkalahatang mga FAQ sa kalakalan

Ano ang online na pagte-trade?

Ang online na pagte-trade ay tumutukoy sa pagbili at pagbebenta ng over-the-counter (OTC) securities (o ‘trading instruments’) gamit ang internet o iba pang elektronikong paraan - tulad ng wireless access o mga teleponong touch-tone. Sa karamihang pangyayari, ina-access ng mga kustomer ang Client Portal (o website) ng brokerage na kumpanya gamit ang kanilang regular na Tagapagbigay ng Serbisyo sa Internet. Kapag naroon na, ang mga kustomer ay maaaring makakuha ng impormasyon, magsubaybay ng aktibidad at maglagay o magsara ng mga order sa pamamagitan ng pag-log in sa kanilang personal, ligtas na trading account.

Hindi, ang lahat ay maaaring mag-trade online ngunit mahalagang maunawaan ang panganib na nauugnay sa pagte-trade. Ang mga CFD ay mga komplikadong instrumento na kasama ng leverage, na maaaring palakihin ang pagkalugi na kasing dami ng tubo. Naniniwala kami na ang pagkakaroon ng wastong mapagkukunan ng kaalaman, pag-unawa sa pamamahala ng panganib at paggamit ng demo account ay makakatulong sa sinoman para responsableng makapag-trade.

Nagbibigay man kami ng customer support 24/6, ang Equiti ay isang execution-only broker at hindi nagbibigay ng alinmang pangangasiwa sa pagpapayo o payo sa pamumuhunan. Hinihikayat namin ang lahat ng antas ng mga nagte-trade na humingi ng propesyonal na payo at gumamit ng pamamahala ng panganib.

Magbukas ng Equiti Account

Marahil ang pinakakilalang kagamitan sa pagte-trade para sa pagbabawas ng panganib, ang stop loss orders ay dinisenyo upang limitahan ang pagkalugi sa isang security position na nakagawa ng hindi kanais-nais na galaw. Kapag naglagay ka ng stop-loss order sa isang broker, hinihiling mong isara ang posisyon kapag naabot na ng instrumento ang isang tiyak na presyo. Nakakatulong ito dahil ito ay nangangahulugang ang iyong mga trade ay nangangailangan ng mas kaunting pagsubaybay at makakatulong na malimitahan ang pagkalugi, lalo na sa mga pabagu-bagong merkado.

Mangyaring tandaan na ang stop-loss ay hindi isang garantiya dahil ang mga posisyon ay maaaring maapektuhan ng mga agwat sa presyo pagkatapos ng pagsasara ng merkado, paglabas ng datos o iba pang salik ng ekonomiya.

Ang pagte-trade ng CFDs ay base sa espekulasyon na ang halaga ng isang asset ay tataas kaugnay ng isa pa, na nagbibigay ng potensyal na mapalaki ang kita. Gayunpaman, walang garantisadong diskarte o merkado na laging maghahatid ng kita. Kung ang iyong kasalukuyang broker ay iba ang sinasabi, itsek kung ang mga ito ay kontrolado!

Ang pamumuhunan sa pandaigdigang merkado sa pamamagitan ng pagbili ng forex, commodities, ETFs o iba pang mga produktong CFD ay maaring gamiting iyong kapital at magbibigay sa iyo ng oportunidad na kumita - ngunit palagi naming hinihikayat ang aming mga kliyente na ipagsapalaran lamang kung ano ang kaya nilang mawala. Ang mga merkado ay hayag na hindi mahuhulaan, ibig sabihin, ang parehong pagkalugi at kita ay maaaring parehong tumaas.

Ang spreads ay sinusukat sa pips at nagpapakita ng pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng pagbili at pagbenta. Sa pagte-trade, ang ‘ask price’ (o ‘offer price’) ay nangangahulugan na ang presyong nais mong bilhin, at ang ‘bid price’ ay ang halagang nais mong ibenta. Sa kasanayan, kung ang EURUSD ay mayroong bid price na 1.55310 at ask price na 1.55320, ang spread ay magiging 1 pip.

Ang pip, pinaikling ‘point in percentage’, ay isang napakaliit na sukat ng palitan sa isang currency pair sa forex market. Ito ay maaaring masukat pagdating sa quote o sa underlying currency. Ang pip ay isang pamatayang yunit para sa pinakamaliit na halaga kung saan maaaring mapalitan ang currency quote. Ito ay karaniwang 0.0001 at para sa JPY-pairs ito ay karaniwang 0.01. Ang isang fractional pip o point ay katumbas ng 1/10 ng isang pip. Mayroong 10 puntos sa bawat 1 pip.

Nag-aalok kami ng leverage sa pamamagitan ng mga margin, kung saan nagbibigay kami ng mga hiniram na pondo mula sa aming masaganang liquidity pool para mapataas ang iyong posisyon sa pagte-trade. Ibig sabihin ang mga nagte-trade ay maaaring taasan ang kanilang market exposure sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang maliit na bahagi ng kanilang inisyal na puhunan (kanilang deposito). Sa kasanayan, ang 1:20 leverage ay nangangahulugang maaari kang mamuhunan ng $10 at mag-trade ng $200 - nagbibigay ng mas matataas na potensyal na kita AT pagkalugi. Tiyaking nauunawaan mo ang iyong risk appetite. Subukang paliitin ang iyong mga pagkalugi sa pamamagitan ng paggamit ng stop loss tools o iba pang diskarte sa pamamahala ng panganib - o mag-eksperimento sa leverage sa aming risk-free demo kung hindi ka pa nakapag-trade noon gamit ito.

Nag-aalok kami ng leverage hanggang 1:2000 sa mga piling produkto, kasama na ang mga mahahalagang metal, ginto, langis at natural na gas commodity CFDs.

Ang pagte-trade ng CFD (o “Kontrata sa Pagkakaiba” ng trading) ay nagpapahintulot sa iyong magbukas ng mga posisyon sa price performance ng isang asset - nang hindi direktang inaari ang asset. Ibig sabihin ay mayroon kang kakayahan na pumili kung sa tingin mo ay tataas o bababa ang halaga ng isang bagay.

Tingnan ang mga produktong CFD

Mga FAQ sa trading account

Magkano ang halaga ng pagbubukas ng isang Equiti account?

Hindi kami naniningil ng kahit isang sentimo. Kapag nag-trade ka sa Equiti, 100% ng iyong deposito ay mapupunta sa iyong trading account - ngunit iyo sanang mabatid na maaari kang singilin ng iyong tagapagbigay ng serbisyo para sa mga wire transfer kapag nagdedeposito.

Sa Equiti, pinapanatili naming malinaw ang pagpepresyo at naniningil nang mababa-hanggang-sero na komisyon dahil ang aming misyon ay gawin na ang pinansiyal na merkado ay madaling i-access sa buong mundo.

Upang magrehistro para sa isang Equiti account, buksan ang Equiti Portal, i-click ang “Magbukas ng Account” at punan ang iyong mga detalye. Padadalhan ka namin ng email para iberipika ang iyong account, pagkatapos ay kailangan mong magdeposito para simulan ang pagte-trade.

Tingnan ang aming mga opsyon sa pagpopondo para sa mga paraan ng pagbabayad.

Ang isang live na Equiti trading account ay magbibigay-daan sa iyo para gumawa ng trades sa pinakamalaking digital na pinansiyal na palitan sa mundo. Gamitin ang iyong mga detalye sa pag-login para buksan ang Equiti Portal, kung saan puwede mong pamahalaan ang iyong mga pondo, makipag-ugnayan sa suporta, subaybayan ang iyong aktibidad sa pagte-trade, tingnan ang mga live na rate, at buksan ang mga live o demo trading account.

Puwede kang magdeposito at mag-withdraw ng mga pondo nang ligtas sa iyong Equiti trading account gamit ang mga credit card, eWallet, bank transfer, mga lokal na solusyon at crypto wallet. Matuto nang higit pa tungkol sa aming mga paraan ng pagpopondo sa aming page ng Mga Deposito at Pag-withdraw.

Oo, maaari kang magbukas ng libreng demo account para sa online na pagte-trade na may kunwaring pondo para subukan ang platform at ang iyong mga diskarte sa pagte-trade nang walang panganib sa mga live market condition. Magbukas ng trading demo account sa pamamagitan ng pag-log in sa Equiti Portal at pagpili ng “Demo” sa ilalim ng mga platform. Ang mga demo account ay mayroong access sa aming kumpletong listahan ng mga produkto sa trading platform MT5.

Mag-apply para sa isang walang panganib na demo

Oo, ang lahat ng demo trading account ay mapapaso kapag hindi aktibo sa loob ng 90 araw.

Oo, maaari mong i-reset ang iyong kunwaring balanse sa pagte-trade sa pamamagitan ng pag-log in sa iyong Client Portal. Awtomatiko naming itinatakda ang balanse sa $10,000 sa virtual funds kung kailan ka nagbukas ng bagong demo.

Kapag lumikha ka ng profile ng account sa Equiti Portal mayroon kang opsiyon para buksan ang mga live o demo trading account. Gayunpaman, ang mga kunwaring trade na ginagawa mo sa isang demo account ay hindi puwedeng maging tunay na trades. Kakailanganin mong magbukas ng bagong posisyon kapag nakapagrehistro ka na ng live trading account at nakapagdagdag ng iyong sariling mga pondo.

Para magparehistro sa isang live trading account, buksan ang Equiti Portal, i-click ang ""Buksan ang Account"" at punan ang iyong mga detalye. Padadalhan ka namin ng email para iberipika ang iyong account, pagkatapos ay kailangan mong magsagawa ng unang deposito para simulan ang trading.

Oo, maaari kang magkaroon ng hanggang 3 aktibong demo trading account sa Equiti. Ang lahat ng mga trading demo ay may bisa hanggang 90 araw. Maaari mong gamitin ang iyong demo upang subukan ang mga totoong diskarte sa pagte-trade sa live markets, na may buong access sa lahat ng mga produkto. Gayunpaman, ang mga trade na ginawa sa mga demo account ay kunwari lamang. Hindi ka kikita sa mga demo trade.

Ang basic contract unit ng Retail Foreign Exchange ay tinatawag na lot. Ang pamantayang sukat ng lot ay 100,000 units ng batayan ng pananalapi (unang pananalapi sa currency pair). Maaari ka ring mag-trade nang maramihan o mga bahagi ng ‘lots’ - tulad ng micro lots na 0.01, na siyang ika-100 ng isang pamantayang yunit ng pagte-trade. Ang pinakamababang dami ng pagte-trade na iniaalok namin sa Equiti ay 0.01 lot.

Mga madalas itanong tungkol sa mga bayarin sa pananalapi

Paano ko popondohan ang aking trading account?

Puwede kang magdeposito at mag-withdraw ng mga pondo nang ligtas sa iyong Equiti trading account gamit ang mga credit card, eWallet, bank transfer, mga lokal na solusyon at crypto wallet. Matuto nang higit pa tungkol sa aming mga paraan ng pagpopondo sa aming page ng Mga Deposito at Pag-withdraw.

Mga FAQ sa Trading platform

Ano ang MT5?

Ang MT5 (o MetaTrader 5) ay isang malakas at ligtas na platform sa pagte-trade na sumunod sa MT4. Habang ang MT4 ay na-optimise para sa pagte-trade ng forex, ang MT5 ay dinisenyo para suportahan ang iba't ibang uri ng asset at nag-aalok ng higit pang features at kagamitan sa pagte-trade.

Nagbibigay ito ng mga kagamitan at mga mapagkukunan na nagpapahintulot sa mga nagte-trade na analisahin ang presyo at lugar, pamahalaan ang kanilang mga trade at kahit gumamit ng awtomatikong pamamaraan sa pagte-trade.

Ang lahat ng merkado ay mayroon sa MT5 upang ang iyong trading journey ay maging madali hanggat maaari. Bumili at magbenta ng mga CFD sa pagte-trade mula sa pandaigdigang pinansiyal na merkado kabilang ang forex, shares, indices, commodities, futures, ETFs at cryptocurrencies.

Para ma-access ang MT5 kakailanganin mo ng Equiti trading account at para ma-download ang MetaTrader 5 sa desktop, mobile o mabuksan ito sa iyong web browser. Ang mga link na ito ay maaari ring matagpuan sa pamamagitan ng pag-tap sa ‘Mga Platform’ sa loob ng Equiti Portal.

Sa sandaling na-set up mo na ang iyong Equiti account, magpapadala kami sa iyo ng email na ligtas na nakabuo ng mga detalye sa pag-login sa MT5 at gagabay sa iyo sa proseso ng pag-set up. O, puwede kang manood ng hakbang-hakbang na gabay para sa pag-set up ng MT5 sa aming Youtube channel.

Kakailanganin mo ring gumawa ng deposito sa iyong MT5 trading wallet para makapaglagay ng mga live trade sa mga pinansiyal na lugar sa merkado, mangyaring sumangguni sa aming page ng Mga Deposito at Pag-withdraw para sa higit pang impormasyon sa mga paraan ng pagbabayad at oras ng pagpoproseso.

Maaari kang magsanay ng mga diskarte sa pagte-trade at tuklasin ang MT5 nang libre sa pamamagitan ng pagbubukas ng trading demo account. Ang bawat demo ay mayroong $10,000 sa virtual funds at buong access sa mga produkto. Ang kailangan mo lamang gawin ay i-set up ang iyong account profile, hindi kailangan ng beripikasyon o deposito.

Mga FAQ sa Produkto

Anong mga produkto ang maaari kong i-trade?

Ang Equiti ay nag-aalok ng agarang pag-access sa pandaigdigang palitang pinansiyal na may mga pangunahing merkado na pinagsama-sama sa iisang platform ng pagte-trade. Tuklasin ang mga oportunidad sa FX pairs, commodities tulad ng ginto, mga pananalaping digital, shares, ETFs at indices. Kami ay nag-aalok ng tuluy-tuloy at panghinaharap na mga kontrata sa mga piling produkto na may spreads mula 0.0 pips at leverage hanggang 1:2000.

Ang mga produkto sa pagte-trade ay mga asset na maaari mong i-trade online sa pamamagitan ng broker, tulad ng FX, shares, commodities at indices. Ang pagte-trade online ay tumutukoy sa pagbili at pagbebenta ng OTC securities (o ‘Over The Counter' na mga kagamitan sa pagte-trade) sa pamamagitan ng internet o iba pang elektronikong paraan - tulad ng wireless access o mga teleponong touch-tone. Sa karamihang pangyayari, ina-access ng mga kustomer ang Client Portal (o website) ng brokerage na kumpanya gamit ang kanilang regular na Tagapagbigay ng Serbisyo sa Internet. Kapag naroon na, ang mga kustomer ay maaaring kumonsulta sa mga ibinigay na impormasyon, sumubaybay sa aktibidad at maglagay o magsara ng mga order sa pamamagitan ng pag-log in sa kanilang personal, ligtas na mga account.

Ang FX CFDs ay mga kontrata na ginamit sa pagte-trade sa mga currency pair na may dagdag na leverage. Ang mga nagte-trade online ay kadalasang pinipili ang CFDs dahil maaari kang makipagsapalaran sa pagtaas o pagbaba ng halaga ng FX pair - nang hindi ito inaaring direkta. Ang “Forex” ay nangangahulugang “foreign exchange” (o currency pairs) at ang “CFDs” ay “Kontrata sa mga Pagkakaiba”.

Ang Forex (‘foreign exchange’ o ‘fx’) ay naglalarawan sa mga pananalapi ng pagte-trade na magkakapares, tulad ng EURUSD, sa isang nadesentralisadong over-the-counter na pandaigdigang merkado. Nagbibigay daan ito sa mga nagte-trade para maaaring kumita mula sa isang pinataas (o pinababa) na halaga ng pananalapi ng isang bansa kumpara sa iba. Ang bawat pananalapi ay mayroong opisyal na pagpapaikli - sa kasong ito, ang EUR ay nangangahulugang ‘Euro’ at ang USD ay ‘United States Dollar’.

Kapag nagte-trade ng forex online, ang iyong base currency ay unang ipapakita (dito ay EUR) at susundan ng quote currency (dito ay USD). Ang halaga ng mga pananalaping ito ay mabilis na nagbabago na ipinapakita sa spread, sa madaling salita, ang pagkakaiba sa pagitan ng bid at ask price.

Maaari kang mag-trade online sa pinapakita ng mga currency pairs sa pamamagitan ng pagbubukas ng single position sa isang secure na platform ng pagte-trade.

Ang pagte-trade ng CFD, o pagte-trade ng "Kontrata sa Pagkakaiba", ay nagpapahintulot sa iyo na magbukas ng mga posisyon sa price performance ng isang asset nang hindi ito direktang inaari. Ibig sabihin ay mayroon kang kakayahan na pumili kung sa tingin mo ay tataas o bababa ang halaga ng isang bagay.

Gayunpaman, ang pure forex trading ay kinabibilangan ng pisikal na pagpapalit ng currency pair para sa halaga ng iba pang currency.

Sa Equiti, nag-aalok kami ng FX CFD trading, na magtutulot sa iyong makipagsapalaran sa presyo ng currency pair nang hindi ito direktang inaari.

Tingnan ang forex pair CFDs

Ang pip, pinaikling ‘point in percentage’, ay isang napakaliit na sukat ng palitan sa halaga ng currency pair sa foreign exchange (forex) online market. Ito ay maaaring masukat pagdating sa quote o sa underlying currency. Ito ay isang pamantayang yunit para sa pinakamaliit na halaga kung saan ang currency quote ay maaaring ipalit, na karaniwang $0.0001 para sa USD-related currency pairs. Ang fractional pip o point ay katumbas ng 1/10 ng pip at mayroong 10 points sa bawat 1 pip.

Sa pagte-trade ng forex, ang spreads na may mababang pips (0.0 pip spreads) ay nagpapahiwatig na ang produkto ay napakadalas i-trade ngunit ang mga pip ay maaari ding gamitin para sa risk management tools gaya ng Stop Loss orders.

Ang kaalaman sa halaga ng pip ng iyong currency pair ay magbibigay daan sa iyo na pamahalaan ang iyong risk exposure, at maaari na makakuha ng katulad na kita sa mga pair. Halimbawa, kung ang iyong Stop Loss ay katumbas ng 50 pips, ang Take Profit ay maaaring 100-150 pips - gaya ng iniisip ng marami na ang pagkakaroon ng SL/TP ratio na 1:2 o 1:3 ay isang magandang benchmark.

Ang grupo o basket ng stocks ay tinatawag na ‘index’ o ‘indices’. Ang indices ay sukat ng halaga (at presyo) ng isang partikular na seksyon ng stock market, na nagpapahintulot sa mga nagti-trade na makipagsapalaran sa buong sektor nang sabay-sabay. Ang pagpapangkat ng mga piniling stocks o assets sa isang index ay gagawa ng isang sulit na pamamaraan para sa pagte-trade sa pagganap ng isang sector - sa madaling salita, ang pagbubukas ng single position para mag-trade sa buong UK100 - na sumusubaybay sa 100 pinakamalalaking kumpanya sa London Stock Exchange (LSE).

Maaari ka ring mag-trade sa future indices tulad ng USD index na sumusubaybay sa paggawa ng USD na nakakaapekto sa mga pangunahing pananalapi sa buong mundo.

Tingnan ang index CFDs

Nag-aalok kami ng walang komisyong rolling major at minor stock market indices mula sa buong mundo kabilang ang AUS200 (Australia roll), China50, EU50 (Europe roll), DE40 (Germany roll), FR40 (France roll), HK50 (Hong Kong roll), India50, JP225 (Japan roll), ES35 (Spain roll), UK100 (United Kingdom roll) at US rolls tulad ng US500, UT100 at US30.

Tingnan ang indices

Ang CFDs on shares (kilala rin bilang CFD stock trading) ay mga kontrata na nagpapahintulot sa mga nagte-trade na makipagsapalaran sa pagtaas o pagbaba ng share price ng kumpanya na may leverage - nang hindi direktang inaari ang alinmang shares. Ang “CFDs” ay pinaikling “Kontrata sa mga Pagkakaiba” at ang mga ito ay popular na opsyon para sa mga nagte-trade na nais magsapalaran sa pagtaas at pagbaba ng share prices (sa madaling salita, mga presyong madalas gumalaw). Ang shares ay kilala rin bilang 'stocks’ o ‘equities’.

Share CFDs

Ang pagte-trade ng CFD share (kilala rin bilang ‘equities’ o ‘stock market trading’) ay nangangahulugang pagbili at pagbenta ng CFDs sa shares ng mga kumpanyang nakalista sa stock exchange para gumawa ng kita. Ililista ng mga kumpanya ang kanilang shares upang magkaroon ng agarang pondo, at ang mga nagte-trade ay bumibili ng share CFDs para kumita sa kahihinatnan ng kumpanya sa hinaharap - nang hindi direktang inaari ang share. Nagbibigay ito sa mga nagte-trade ng pagkakataon na magsapalaran sa galaw ng presyo nang walang pananagutan bilang direktang shareholder.

Ang share CFDs ay magagamit sa maraming uri ng industriya — kaya maaari mong buksan ang iyong kaalaman sa partikular na mga negosyo o pag-iba-ibahin ang iyong portfolio. Nag-aalok kami ng daan-daang shares CFDs mula sa US, UK at EU – kabilang ang mga pangunahing kumpanya tulad ng Apple, Alphabet (Google), Meta (dating Facebook), Disney, Airbnb, Bumble, Alibaba, Ryanair at iba pa.

Ang commodity CFDs ay isang mabisang paraan upang mag-trade sa tumataas (o bumababa) na presyo ng mga raw na materyales gaya ng ginto, langis, at natural gas - nang hindi direktang inaari ang asset.

Ibig sabihin, pwede kang mag-trade sa galaw ng presyo o paggawa ng mga commodity nang hindi na kinakailangan pang ariin silang lubos - na nagbibigay daan sa iyong pumili sa long o short at maaaring makinabang mula sa alinmang tumataas o bumababang mga merkado.

Nag-aalok kami ng tuloy-tuloy at para sa hinaharap na mga kontrata sa aming commodity CFDs.

Tingnan ang commodity CFDs

Ang commodity (o ‘commodities’) CFD trading ay posibleng ang pinakalumang anyo ng pagte-trade ng CFD – lalo na bilang futures. Pinahihintulutan ka ng mga itong mag-trade sa paggawa ng commodities sa halip na direktang ariin ang assets.

Ang commodity CFDs ay tumutukoy sa pagbili, pagbebenta at pagte-trade sa paggawa ng commodities na minina at hinukay (tulad ng langis, ginto at gas) at soft commodities na inani (tulad ng kape at asukal).

Kasama sa malalaking mga grupo ng kalakal: Mahahalagang metal (tulad ng ginto, pilak at platinum), agrikultura (tulad ng kape at kakaw), at enerhiya (tulad ng krudong langis ng Brent, langis ng WTI at Natural na Gas)
Tingnan ang commodity CFDs

Nag-aalok kami ng CFDs sa ginto, pilak at iba pa sa aming pahina sa Commodities. Ang mga mamahaling metal tulad ng ginto at pilak ay maaaring ipalagay bilang isa sa mga pinakaunang nai-trade na commodities. Ang mga mamumuhunan at nagte-trade ay kadalasang tinitignan ang ginto bilang isang kanlungan sa panahon ng walang katiyakan sa ekonomiya, pampolitika o panlipunan dahil sa halos matatag nitong demand at limitadong suplay sa mundo.

Tingnan ang Mamahaling Metal CFDs

Ang mga yunit ng pagsukat para sa mga mamahaling metal ay troy ounces. Mangyaring sumangguni sa mga detalye ng merkado para sa mga mamahaling metal upang makita ang mga sukat ng kontrata para sa mga mamahaling metal (tulad ng ginto) kontra sa US dollar.

Basahin ang aming mga Petsa ng Pagka-expire ng Kontrata

Ang mga merkado ng mamahaling metal ay bukas ng (18:00:00 oras sa New York (ibig sabihin, 22:00:00 GMT) at puwede kang gumawa ng mga trade sa XAUUSD, XAGUSD, XPTUSD, XAUEUR at XAGEUR sa pamamagitan ng aming mga platform sa pagte-trade mula 10 segundo pagkatapos magbukas ang mga merkado nang 18:00:10 oras sa NY (22:00:10 GMT). Ito ay dahil ang mga kalahok sa merkado ay madalas na 'nanghuhula' kung saan nararapat ang presyo sa unang ilang segundo, at ang ilan ay magko-quote ng mga napakalawak na presyo, habang ang iba ay pipiliing maghintay para sa ibang tao na simulan ang pagpepresyo bago nila ito gawin. Sa pangkalahatan, ang proseso ng pagtuklas sa presyong ito ay kumakalma sa loob ng ilang segundo. 10 segundo pagkatapos ng pagbubukas, ang aming mga sistema ay kayang pagsama-samahin nang tumpak ang mga presyo mula sa maraming mapagkakatiwalaang mapagkukunan, i-cross-reference ang pagpepresyo, at alisin ang anumang mga potensyal na pagkakaiba, tinitiyak na mayroon kang pinakatumpak na presyo para pagbatayan ng iyong mga desisyon.

Namumuhunan ang aming platform sa makabagong teknolohiya at mga paraan ng pag-verify sa data upang mabigyan ang mga mangangalakal ng pinakatumpak at mapagkakatiwalaang impormasyon sa pagpepresyo na available nang real-time. Ang pagbubukas ng pagte-trade mula sa 18:00:10 oras sa NY (22:00:10 GMT) ay tinitiyak din na kahit na sa pinakaabala o pinakapabago-bagong mga sitwasyon sa pagte-trade, ang lahat ng mangangalakal ay tumatanggap ng pinakatumpak at patas na impormasyon sa pagpepresyo hangga't maaari, na nagpapanatili ng integridad sa merkado.

Ang rolling CFD ay isang CFD na kusang pinalawig (o ‘rolled’) sa susunod na araw ng pagte-trade (o value date). Hindi tulad ng futures CFD, na may pirming petsa ng pagkapaso, ang rolling CFD position ay nananatiling bukas hanggang isara ng kliyente ang kanilang posisyon o ang posisyon ay nawala na. Ang rolling commodity CFD ay gumagana sa parehong paraan, tulad ng aming Rolling WTI Oil CFD na tinatawag naming ‘USOILRoll’.

Lahat ng mga rolling CFD position na nananatiling bukas sa 17:00 (oras sa New York) ay palalawigin hanggang sa bagong value date. Ang roll charge ay tinutuos sa pamamagitan ng pagsisingit sa pagitan ng malapit at malayong buwan ng futures, at saka idadagdag ang bayad sa amin kung naaangkop. Ang ilang rolling CFDs ay maaaring magbayad ng isang swap kung mayroong positibong halaga sa detalye ng instrumento sa aming platform ng pagte-trade - ibig sabihin ang kliyente ay nagbayad upang panatilihin ang kanilang posisyon sa merkado buong magdamag, habang ang iba ay naniningil ng swaps.

I-trade ang future CFDs para magsapalaran o umiwas sa direksyon ng presyo ng isang seguridad, commodity o iba pang mga pinansiyal na instrumento. Sa pamamagitan ng pagbili ng hinaharap na mga kontrata, ang bibili ay sumasang-ayon sa pagbili ng asset sa isang napagpasyahang presyo sa tiyak na panahon sa hinaharap.

Sa pagte-trade ng futures CFD ikaw ay magsasapalaran sa presyo ng hinaharap na mga kontrata na iyon.

Ang ibig sabihin ng ETF ay Exchange-traded fund at sila ay isang grupo ng stock mula sa isang partikular na sektor, tulad ng tech o enerhiya.

Ang CFD ay isang kontrata para sa pagkakaiba kaya maaari kang mag-trade sa galaw ng presyo ng isang ETF ngunit hindi mo pagmamay-ari ang underlying asset. Ang mga nagte-trade ng ETF CFD ay nagsasapalaran sa galaw ng presyo (taas o baba) ng ETF at kumikita kung tama ang kanilang prediksyon.

Ang pagte-trade ng ETF CFD ay may ilang pakinabang gaya ng paggamit ng leverage at pagte-trade sa aktuwal na oras samantalang bukas ang merkado. Maaari ka ring mag-‘sell short’ sa isang kita kung sa tingin mo ay bababa ang presyo.

Ang Equiti ay nag-aalok ng ETF CFDs para i-trade. Tulad ng ibang produkto na iniaalok namin, pwede mong piliin ang ETF CFD na nais mong i-trade at maglagay ng buy o sell na order sa amin. Bisitahin ang aming ETF page upang makita kung aling ETFs ang pwede mong i-trade.

Sa Equiti, pwede kang gumamit ng leverage hanggang 1:5, ibig sabihin pwede kang mag-trade ng ETF CFDs na may higit na exposure kaysa sa inilagay mong halaga. Pinalalakas ng leverage ang iyong kakayahan sa pagte-trade sa pamamagitan lamang ng paggamit ng isang bahagi ng halaga ng posisyon. Halimbawa, kung magdadagdag ka ng $100 na may leverage na 1:5, pwede kang magbukas ng posisyon sa halagang $500. Laging tandaan na ang leverage ay gumagana sa parehong paraan kaya ang iyong pagkalugi ay maaaring kasinlaki o mas higit pa.

Mahalagang tandaan na ang mga leveraged product ay nagpapalaki ng mga pagkalugi at pati rin ng kita. Laging responsableng pamahalaan ang iyong risk appetite at gamitin ang aming mga kagamitan sa pamamahala ng panganib at mga diskarte upang makatulong na maiwasan ang mga potensyal na pagkalugi.

Kapag nag-trade ka ng CFD, hindi mo pag-aari ang underlying asset, nagti-trade ka lamang sa galaw ng presyo kung saan ka nakikipagsapalaran.

Lahat ng ETF CFDs ay nakapresyo sa underlying asset. Ang halaga ng isang ETF CFD ay tinutukoy ng bid at ask prices at naiimpluwensiyahan ng mga salik tulad ng supply at demand, kondisyon ng merkado at news events.

Ang crypto CFD ay isang kontrata na nagpapahintulot sa mga nagte-trade na mag-trade sa pagkakaiba sa presyo ng cryptocurrency kung kailan mo unang binuksan ang posisyon at sa kung kailan mo ito isinara. Ibig sabihin, pwede kang mag-trade sa kung sa tingin mo ay tataas (o bababa) ang halaga ng crypto.

Dahil ikaw ay nakikipagsapalaran sa mga presyo sa pamamagitan ng isang kontrata, hindi mo direktang magiging pagmamay-ari ang crypto coins o kailangan ng isang espesyal na “hot wallet” para humawak sa iyong mga coins.

Nag-aalok kami ng crypto CFDs hanggang 1:10 leverage. Kabilang dito ang Bitcoin, Litecoin, Ethereum, Shiba na may mahigpit na spreads <1% kabilang ang US$5 sa BTCUSD at US$0.30 sa ETHUSD.

Puwedeng i-trade ang Cryptocurrency CFDs sa MT5 nang pitong araw sa isang linggo, kung mayroon kang pinondohang Equiti trading account. Para magbukas ng live trading account sa Equiti, i-tap ang ‘Simulan ang pagte-trade’ sa kanang itaas ng aming website o bisitahin ang homepage ng Equiti Portal.

Ang pagte-trade ng CFD (o ‘Kontrata sa Pagkakaiba’) ay kinabibilangan ng iba't ibang uri ng kontrata na sumasakop sa sari-saring pangkat ng instrumentong pinansiyal tulad ng indices, commodities o crypto - habang ang crypto coins ay tumutukoy sa assets na taglay bilang virtual currency.

Ang crypto coins ay karaniwang kailangang ilagay sa isang espesyal na wallet at ang kanilang halaga ay apektado ng mga kaganapan sa merkado. Dahil hindi mo direktang pagmamay-ari ang asset na may crypto CFD, maaari kang magbukas ng posisyon para sa pagtaas (long) o pagbaba (short) ng presyo ng crypto coin. Pinahihintulutan nito ang nagte-trade na makakuha ng potensyal na kita sa pagtaas o pagbaba ng mga presyo - at magpataas ng posisyon sa isang bahagi ng deposito sa pamamagitan ng paggamit ng leverage. Laging tandaan na ang mga presyo ay maaaring tumaas o bumaba, kaya mahalagang laging mag-trade ayon sa abot ng iyong makakaya at gumamit ng wastong pamamahala sa panganib.

Ang mga oras ng pagte-trade ng crypto ay ang sumusunod:

Lunes hanggang Biyernes: 24 oras, maliban sa leveraged cryptos.

Sabado at Linggo:
11:30–23:59 ET

Pahinga ng Leveraged crypto (Rollovers sa pagtatapos ng araw):
23:59 – 00:01 ET

Ang mga oras ng pagte-trade ay maaaring maapektuhan ng mga piyesta opisyal o mga pandaigdigang pagdiriwang.

Manatiling naka-update sa pamamagitan ng pagtsek sa aming pahina ng Market Holiday Hours.

Mga FAQ sa Equiti Partner

Anong mga partnership program ang inyong iniaalok?

Nag-aalok kami ng competitive Introducing Broker (IB) partnership programs at flexible Multi Asset Manager (MAM) na mga programa sa aming pinagkakatiwalaang mga platform ng pagte-trade.

Maging isang Equiti Partner

Kapag nagbukas ka ng partner account, makakatanggap ka ng IB (Introducing Broker) link kung saan ibibigay mo ang iyong leads. Kapag ang mga kliyente ay nag-sign up para sa isang trading demo o live account, awtomatiko silang ili-link sa iyong IB/AM profile.

Nag-aalok kami ng tiered na mga istraktura ng pagbabayad na ibinagay sa mga indibidwal na partner at sa kanilang mga pangangailangan. Mangyaring makipag-usap sa isa sa aming mga account manager kung nais mo ng karagdagang detalye.

Mag-email sa amin sa support.sey@equiti.com at makikipag-ugnayan kami sa iyo.

Ang mga rebate at komisyon ay kaagad na makikita sa iyong rebate account. Karaniwan, ang kalahati ng bayad ay natatanggap kapag nabuksan ang isang posisyon, at ang kalahati ay babayaran kapag naisara ang posisyon.

Gayunpaman, ang mga pamamaraan sa rebate at commission ay maaaring mag-iba-iba depende sa individual IB (Introducing Broker) o AM (Asset Manager). Mangyaring makipag-usap sa isa sa aming mga account manager kung nais mo ng karagdagang detalye.

Mag-email sa amin sa support.sey@equiti.com at makikipag-ugnayan kami sa iyo.

Hindi nakakuha ng sagot sa iyong katanungan?

Tingnan ang aming support guide para sa karagdagang impormasyon.