Mga smart trading platform
Pumasok nang may kumpiyansa sa mga pandaigdigang merkado sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang platform sa pangangalakal - na may mga libreng trading signal sa desktop, tablet at mga mobile device.
Mga komprehensibong trading platform na may mga advanced o makabagong tool
Ikinokonekta namin ang mga nangungunang trading platform sa mga produktong maingat na pinili, na may mga tool na suportado ng AI (Artificial Intelligence) para maisulong ang iyong karanasan sa pakikipag-trade.
Mga pandaigdigang merkado
I-access ang mga pandaigdigang merkado nang instant na suportado ng isang broker na kinokontrol ng Awtoridad sa mga Serbisyo ng Pananalapi (FSA)
Primera-klaseng mga produkto
Mag-trade sa mga nangungunang platform sa palitan ng pera (forex), mga yunit ng stock (shares), mga index (indices), mga pondo ng pinagsama-samang asset na itine-trade sa stock exchange (Exchange-Traded Funds, ETFs) at mga kalakal (commodities).
Mga rate na pangkompetensya (Competitive rates)
$0 na bayad sa platform, komisyon mula sa zero ($0) at ang mga tight spread ay nagsisimula sa 0.0 pips*.
24/6 na suporta
Ipasagot nang mabilis ang iyong mga tanong sa mga lokal na hub ng suporta na malapit sa iyo.
Ligtas
Ang pera mo ay inilalagay sa mga nakahiwalay na mga account sa mga pinagkakatiwalaang mga bangkong Tier 1.
Mabilis
Mga instant na abiso, mabilis na pagsasagawa at paglilipat ng pondo mula sa isang ligtas na dashboard.
Isang Pangkalahatang Ideya ng MT4 laban sa MT5
MetaTrader 4
Ang Pinakatanyag na Platform sa Mundo
- Forex, indices, commodities, shares at ETF CFDs o mga kontrata para sa pagkakaiba ng presyo sa settlement price ng mga pondo ng pinagsama-samang asset na itine-trade sa stock exchange.
- $0 na bayad sa platform
- Mobile, laptop o tablet
- Mga instant na abiso
- 80 mga kagamitan sa pangangalakal (kabilang ang mga EA)
- MQL4
- Mga Open Trade dashboard na may mga Lot
- Tagasubok ng diskarteng isang transaksyon sa bawat pagkakataon (Single-thread Strategy Tester)
- Datos ng Pinakahuling Balita sa Merkado (Market Watch, Summary)
- Mga Table Report
- Mga Pinahihintulutang Hedging
- 3 uri ng Order Execution
- 4 na uri ng Pending Order
- 9 na Time Frame
MetaTrader 5
Higit pang Mga Produkto, Datos, at Mga Tool
- Dynamic na Leverage
- Mga CFD FX pair kabilang ang EURUSD
- CFD na Mga Kalakal kabilang ang Langis
- CFD na Mahahalagang Metal kabilang ang Ginto
- Mga Share ng CFD at mga ETF
- Mga Index ng CFD
- Pinahusay na Pagpapahiwatig ng Estado at Potensyal na Paggalaw ng Merkado (Enhanced Market Depth)
- Multi-thread Strategy Tester
- Datos ng mga Pinakahuling Balita sa Merkado (Market Watch Data) at mga Table Report
- Buong Kalendaryong Pang-ekonomiya kabilang ang Mga Report ng Kita
- 88 naka-built-in na mga EA at mga Trading Robot
- Partial Order Filling
- 4 na Order Execution at 6 na uri ng Pending Order
- 21 Time Frame
- Mahigit sa 100 na detachable at customisable na mga chart
Gamitin ang MT4 at MT5 sa alinmang device - walang app na kailangan
Sa MQ WebTrader, makakapag-trade ka sa iOS at Android o sa web browser ng iyong computer nang hindi kailangang mag-download ng anomang app.
Gamitin ang mga tool sa propesyonal na pagsusuri (pro analysis na tool) para makapag-trade nang mas matalino
Mag-trade nang mas matalino gamit ang naka-built-in na propesyonal na pagsusuri.
Sentimyento ng Balita
Matukoy ang mga oportunidad at makilala ang mga kalagayan ng merkado.
Dow Jones Newswire
Aktwal na oras ng newsfeed na may pambihirang kaalamang pandaigdig.
Datos ng Merkado
Ayusin ang mga aset ayon sa popularidad, klase o mga nagtuturo na batay sa datos.
Mga Kasangkapan sa Analitiko
Palakasin ang iyong mga diskarte sa pagte-trade gamit ang mahusay na mga analytiko.
Buong Kalendaryong Pang-ekonomiya
Subaybayan ang mga datos ng sintemyentong nakolekta sa paglipas ng panahon at maghanda para sa mga magaganap sa hinaharap.
Mga tanong tungkol sa MT4 at MT5
Ano ang Meta Trader 4?
Ang MetaTrader 4 ay isang trading platform na binuo ng MetaQuotes Software para sa online na pagte-trade ng forex, contract for differences (CFDs) at mga merkado para sa mga deribatibo ng kontrata sa pagbili o pagbebenta ng partikular na asset sa hinaharap (futures markets).
Ang MT4 ay nagbibigay ng mga tool at mapagkukunan na nagbibigay-daan sa mga trader na masuri ang presyo at lugar, mapamahalaan ang mga trade at magamit ang mga automated na teknik o diskarte sa pagte-trade.
Anong mga accounts sa Equiti ang maaari kong gamitin para sa MT4?
Maaari mong gamitin ang Equiti Standard at Premier account para i-trade ang mga CFD sa MT4.
Anong mga produkto ang nasa MT4?
Maaari kang mag-trade ng CFDs sa forex, shares, indices, commodities at ETFs sa MT4 kapag nagbukas ka ng live na trading account sa Equiti.
Tingnan ang lahat na produkto ng CFD
Ano ang Meta Trader 5?
Ang MT5 (o MetaTrader 5) ay isang malakas at ligtas na trading platform na binuo para sa online trading ng forex, contract for differences (CFDs) at futures markets.
Nagbibigay ito ng mga tool at mapagkukunan na nagbibigay-daan sa mga trader na masuri ang presyo at lugar, mapamahalaan ang kanilang mga trade at makagamit ng mga automated na teknik o diskarte sa pagte-trade.
Paano ko maa-access ang MT5?
Magbukas ng trading account sa Equiti para makapagsimulang mag-trade sa MT5. Ang kailangan mo lang na gawin ay magrehistro para sa isang account, pagkatapos ay maaari mong pondohan ang isang live na trading account o kaya naman ay magbukas ka ng isang trading demo account sa loob ng aming Portal. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa pagbubukas ng account sa Equiti, mangyaring bumisita sa aming page ng Trading Accounts.
Paano ko masusubukan nang libre ang MT5?
Maaari kang magpraktis ng diskarte sa pagte-trade at tuklasin ang MT5 ng walang gastos sa pamamagitan ng pagbubukas ng trading demo account. Ang bawat demo ay mayroong $10,000 na virtual fund at buong access sa produkto. Ang kailangan mo lamang gawin ay i-set up ang iyong account profile, hindi kailangan ng beripikasyon o deposito.
Aling mga produkto ang nasa MT5?
Lahat ng mga merkado ay magagamit sa MT5 para gawing tuloy-tuloy ang iyong paglalakbay sa pagte-trade hangga't maaari. Magbenta at bumili ng mga CFD sa pagte-tradesa mga pandaigdigang pinansiyal na merkado kabilang ang forex, shares, indices, commodities, futures at ETFs.
Kailan ako pwedeng mag-trade sa MT4 o MT5?
Ang MT4 at MT5 ay parehas na laging kasabay ng pagsasara ng New York.
Nangangahulugan ito na sa panahon ng ‘daylight savings’, magkakaroon ito ng operasyon nang GMT+3, at GMT+2 sa panahon ng Taglamig, maliban na lang kung may partikular na pagsasara na inianunsyo sa 'mga oras ng holiday sa merkado'.
Tingnan ang mga Oras ng Holiday sa Merkado
May marami pang puweding i-explore
Mga Produkto
Mag-browse ng FX, indices, crypto, mga kalakal, shares at ETF CFDs.
Mga trading account
Pagte-trade na zero ang komisyon na may mga mababang deposit na mga requirement.
Mga Partner
Ipakilala ang iyong client network para sa mga mahuhusay na benepisyo.